CHERRY BLOSSOMS SA TOKYO, FULL BLOOM NA
Nasa full bloom na ang pamumulaklak ng mga cherry blossoms sa Tokyo, ito ang inanunsyo ng Japan Meteorological Agency nitong Miyerkules.
Mas maaga ito ng siyam na araw kaysa sa karaniwan at limang araw na mas maaga kaysa noong nakaraang taon, ayon sa ulat ng NHK World-Japan.
Umabot naman sa 23.8 degrees Celsius ang temperatura sa Tokyo kahapon na isa sa mga dahilan nang maagang pamumulaklak ng mga sakura.
Samantala, inaasahan naman ang pag-ulan sa maraming lugar sa kanluran at silangang Japan ngayong Huwebes dahil sa low-pressure system at rain front.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/06/26Binuksan ng Lawson ang next generation convenience store na pinapagana ng AI sa Tokyo
News(Tagalog)2025/06/24Sinimulan ng Japan ang pre-entry TB checks para sa mga dayuhang mananatili nang higit sa 3 buwan
News(Tagalog)2025/06/20Ang mga Japanese National ay Umalis sa Israel, Iran patungo sa mga Kalapit na Bansa
News(Tagalog)2025/06/16Ang mga presyo ng ginto ay tumama sa bagong record high habang lumalala ang sitwasyon sa Middle East