SAKURA SA TOKYO, NAGSIMULA NANG MAMULAKLAK
Nag-umpisa nang mamulaklak ang cherry trees sa Tokyo kahapon, Marso 13, ang pinakamaaga sa bansa ngayong taon.
Sa ulat ng Jiji Press, inanunsyo ng Japan Meteorological Agency (JMA) ang pamumulaklak ng Somei-Yoshino cherry tree sa Yasukuni Shrine.
Ang pamumulaklak ay anim na araw na mas maaga kumpara noong nakaraang taon, at 10 araw na mas maaga kaysa sa karaniwang taon.
Kinumpirma rin ng JMA na posibleng hindi aabutin ng isang linggo bago ang pag-full bloom ng mga ito. Ang maagang pagsisimula ng pamumulaklak ay kasunod ng maiinit na araw nitong simula ng Marso.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/06/26Binuksan ng Lawson ang next generation convenience store na pinapagana ng AI sa Tokyo
News(Tagalog)2025/06/24Sinimulan ng Japan ang pre-entry TB checks para sa mga dayuhang mananatili nang higit sa 3 buwan
News(Tagalog)2025/06/20Ang mga Japanese National ay Umalis sa Israel, Iran patungo sa mga Kalapit na Bansa
News(Tagalog)2025/06/16Ang mga presyo ng ginto ay tumama sa bagong record high habang lumalala ang sitwasyon sa Middle East