今週の動画

MAMAMAYAN SA JAPAN, PINAKAAPEKTADO SA PAGTAAS NG SINGIL SA KURYENTE – SURVEY

Apektado ang mga mamamayan sa Japan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo dulot ng inflation, isa na rito ang pagtaas sa singil ng kuryente.

Sa survey na isinagawa ng The Mainichi Shimbun noong Marso 18 at 19, sa 500 katao na kanilang sinurvey, 116 ang nagsabi na pinakanahirapan sila sa pagtaas ng singil sa kuryente.

Sunod lamang ang pagkain at groceries kung saan 80 ang nagsabi, itlog na may 50, na sumagot, sinundan ito ng gasolina na may 30, at iba pang ulitities na may 27. Ang pagtaas ng presyo ng kuryente ay epekto nang pag-atake ng Russia sa Ukraine at mahinang yen.

Follow me!