PUBLIKO, HATI SA UNANG ARAW NG ‘OPTIONAL OUTDOOR, INDOOR MASK POLICY’
Patuloy ang karamihan sa mga tao sa Japan sa pagsusuot ng face mask sa unang araw ng optional outdoor, indoor mask policy sa bansa kahapon, Marso 13.
Mas pinili ng karamihan kabilang ang mga commuters sa mga pampublikong transportasyon na magsuot ng mask dahil na rin sa hay fever o kafunsho at upang maiwasan ang COVID-19, saad sa ulat ng Jiji Press.
Sa nirebisang panuntunan ng gobyerno, hahayaan ang mga tao na magdesisyon kung sila ay magsusuot ng mask indoors o outdoors man.
Samantala, hindi naman nagsuot ng mask si Prime Minister Fumio Kishida pagdating niya sa Prime Minister’s Office kahapon ng umaga.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/07/11Mahigit sa 800 na pinaghihinalaang nandaraya sa TOEIC English exam sa Japan
News(Tagalog)2025/06/26Binuksan ng Lawson ang next generation convenience store na pinapagana ng AI sa Tokyo
News(Tagalog)2025/06/24Sinimulan ng Japan ang pre-entry TB checks para sa mga dayuhang mananatili nang higit sa 3 buwan
News(Tagalog)2025/06/20Ang mga Japanese National ay Umalis sa Israel, Iran patungo sa mga Kalapit na Bansa