今週の動画

COVID-19 ISOLATION PERIOD, PAPAIKLIIN SIMULA MAYO 8

Papaikliin na lamang sa limang araw mula sa kasalukuyang pitong araw ang COVID-19 self-isolation period simula sa Mayo 8, ito ang inanunsyo ni Health Minister Katsunobu Kato kamakailan.

Irerekomenda ng health ministry na manatili sa mga bahay ang mga taong nagpositibo sa virus sa loob ng limang araw simula nang makaramdam ng sintomas nito, saad sa ulat ng Jiji Press.

Magiging Category V na rin lamang ang COVID-19 tulad ng sa seasonal flu sa ilalim ng infectious disease law ng Japan.

Follow me!