DAGDAG-SINGIL SA KURYENTE PLANONG BAWASAN
Balak ng gobyerno ng Japan na babaan ang dagdag na singil sa kuryente sa mga tahanan bunsod nang pagbaba ng presyo ng pag-import ng gasolina.
Matatandaang pitong power companies ang nagsumite ng aplikasyon para aprubahan ng industry ministry ang dagdag-singil sa regulated na electricity rate mula 28 hanggang 45 porsyento dahil sa epekto ng Russia-Ukraine conflict at pagbaba ng yen.
Anang Jiji Press sa kanilang ulat, plano ng Tohoku Electric Power Co., Hokuriku Electric Power Co., Chugoku Electric Power Co., Shikoku Electric Power Co. at Okinawa Electric Power Co. na taasan ang singil sa kuryente sa mga tahanan simula Abril habang mula Hunyo naman ang balak ng Tokyo Electric Power Company Holdings Inc. at Hokkaido Electric Power Co.
Maaari naman itong maantala dahil masusing pinag-aaralan ng gobyerno ang kanilang mga aplikasyon.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/06/26Binuksan ng Lawson ang next generation convenience store na pinapagana ng AI sa Tokyo
News(Tagalog)2025/06/24Sinimulan ng Japan ang pre-entry TB checks para sa mga dayuhang mananatili nang higit sa 3 buwan
News(Tagalog)2025/06/20Ang mga Japanese National ay Umalis sa Israel, Iran patungo sa mga Kalapit na Bansa
News(Tagalog)2025/06/16Ang mga presyo ng ginto ay tumama sa bagong record high habang lumalala ang sitwasyon sa Middle East