PRESYO NG TSOKOLATE NGAYONG ARAW NG MGA PUSO TUMAAS NG 25 YEN
Papatak na sa 390 ang mga ibinebentang tsokolate para sa Araw ng mga Puso, mas mataas ng 7 porsyento o 25 yen kumpara noong nakaraang taon batay sa Teikoku Databank.
Sa ulat ng Yomiuri Shimbun, ang pagtaas ng presyo ng mga tsokolate ay bunsod na rin ng pagtaas ng presyo ng mga sangkap gaya ng cacao, asukal, gatas, at beans.
Lumabas din sa survey na isinagawa ng Teikoku Databank na 60 porsyento o 80 brands na ibinibenta sa malls, department stores at confectionary shops ang nagtaas ng presyo kung saan 18 yen ang itinaas ng mga lokal na produkto habang 33 yen naman sa mga imported brands mula sa France, Belgium at iba pang bansa.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/07/11Mahigit sa 800 na pinaghihinalaang nandaraya sa TOEIC English exam sa Japan
News(Tagalog)2025/06/26Binuksan ng Lawson ang next generation convenience store na pinapagana ng AI sa Tokyo
News(Tagalog)2025/06/24Sinimulan ng Japan ang pre-entry TB checks para sa mga dayuhang mananatili nang higit sa 3 buwan
News(Tagalog)2025/06/20Ang mga Japanese National ay Umalis sa Israel, Iran patungo sa mga Kalapit na Bansa