今週の動画

PAGTAAS NG PRESYO NG 10,000 FOOD ITEMS NAKAAMBA

 

Tinatayang mahigit sa 10,000 food items ang magtataas ng presyo dahil sa pagtaas na rin ng presyo ng materyales at logistics ayon sa survey na isinagawa ng Teikoku Databank Ltd. noong Enero 31.

Sa ulat ng Kyodo News, nasa 5,463 items gaya ng frozen food at seafood products ang magtataas ngayong Pebrero habang nasa 2,716 items naman ang magtaas ngayong Marso, at 3,192 items naman sa Abril.

Sinasabing dalawang beses na mas mataas ang itataas ng mga produkto kumpara noong unang apat na buwan nang nakaraang taon kung saan 5,573 food items ang nagtaas ng presyo.

Follow me!