今週の動画

JAPAN IIMPLIMENTA ANG BOLUNTARYONG PAGSUSUOT NG FACE MASKS

Nakasalalay na sa mga mamamayan ng Japan kung nais nilang magsuot ng face mask o hindi na simula Marso 13 bilang bagong panuntunan ng gobyerno hinggil sa COVID-19.

Sa ulat ng Jiji Press, irerekomenda pa rin ng gobyerno ang pagsusuot ng face masks sa mataong lugar na kinabibilangan ng tren, bus, at ospital.

Simula Abril 1, papayagan na rin ang mga estudyante na huwag magsuot ng face mask gayon din sa kanilang graduation ceremonies.

Follow me!