PANUNTUNAN HINGGIL SA ‘INCOME BARRIER’ SA MAG-ASAWA NAIS BAGUHIN NG GOBYERNO
Nais ng gobyerno ng Japan na amiyendahan ang panuntunan tungkol sa “income barrier” sa mag-asawa kung saan nawawala ang karapatan ng isa na maging dependent sa insurance plan batay sa kabuuang sahod nito sa isang taon.
Ayon sa ulat ng NHK World-Japan, kapag ang isang asawa, na nagtatrabaho bilang part-time, ay sumusuweldo ng 1.06 milyon yen hanggang 1.3 milyon yen ay hindi na ito maaaring maging dependent ng asawa nito na nagtatrabaho naman ng full-time.
Sinabi ng mga kinatawan sa Diet na kailangan na itong baguhin dahil marami sa part-time workers ang maaaring magbawas ng oras sa trabaho dahil kailangan nilang magbayad ng sariling premium para sa insurance.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2023.03.20‘HARRY POTTER’ THEME PARK MAGBUBUKAS SA TOKYO SA HUNYO 16
News(Tagalog)2023.03.20PASAHE SA TREN SA TOKYO AREA AT KARATIG-LUGAR, TUMAAS
News(Tagalog)2023.03.1733,900 TURISTANG PINOY BUMISITA SA JAPAN NOONG PEBRERO
News(Tagalog)2023.03.17¥30,000 AYUDA, PLANONG IBIGAY NG JAPAN SA MGA LOW-INCOME HOUSEHOLDS