MGA MAMAMAYAN SA JAPAN, HATI ANG OPINYON SA PAGPAPABABA NG ALERT LEVEL STATUS NG COVID-19 – SURVEY
Tinatayang 46 porsyento ang pabor sa pagpapababa ng alert level status ng COVID-19 sa bansa habang pumatak naman sa 41 porsyento ang hindi sang-ayon dito. Ito ang lumabas na resulta sa isinagawang survey ng Mainichi Shimbun noong Enero 21 at 22 sa buong bansa.
Sa ulat ng pahayagan, mas marami ang pumabor mula sa mga nasa edad 50s pababa habang marami naman ang tumutol mula sa edad 60s pataas.
Matatandaan na inihayag ni Prime Minister Fumio Kishida ang kanyang nais na ibaba ang alert level status mula sa Category II patungong Category V, ang pinakamababang alert level status ng COVID-19.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/08/15Lalaking inatake ng oso sa Mt.Rausu sa Hokkaido, nawawala
News(Tagalog)2025/08/12Ang McDonald’s ay magpapataw ng mga paghihigpit sa pagbebenta ng Pokémon Happy Meal kasunod ng muling pagbebenta at kalituhan, kabilang ang pagkansela ng mga opisyal na membership sa app
News(Tagalog)2025/08/08Ang mga dayuhang naninirahan sa Japan ay may Rekord na 3.68 Milyong Tao;Pagtaas na Nakita sa mga Regional areas Pati na rin sa Mga Pangunahing Lungsod
News(Tagalog)2025/08/05Sumiklab ang apoy sa fireworks barge sa Yokohama festival malapit sa Tokyo