今週の動画

Isang Miyembro ng City Council arestado sa hinalang pag-stalk sa babaeng nasa edad na 40

Inaresto ng pulisya ng Niigata City ang isang 66-anyos na miyembro ng city council dahil sa hinalang pag-stalk matapos itong makitang umaaligid sa labas ng bahay ng isang babaeng kakilala na nasa edad na 40 sa ilang pagkakataon.

Sinabi ng pulisya na ang suspek na si Koichi Sato, ay nakita sa labas ng bahay ng babae sa apat na pagkakataon noong Agosto, iniulat ng lokal na media. Bukod pa rito, mula 2020 hanggang ngayong taon, ang lalaking kaibigan ng biktima ay nakatanggap ng mga larawang ipinadala sa kanyang tahanan at pinagtatrabahuan na kinunan ni Sato na naglarawan sa kanya kasama ang babae. Ang panliligalig na ito sa loob ng dalawang taon laban sa kaibigang lalaki ay nagsasangkot din ng isang dokumento na nagbunsod sa kanya na maniwala na sinusubaybayan ni Sato ang mga aktibidad ng babae.

Sinabi ng pulisya na kumunsulta sa kanila ang babae at inilunsad ang kasunod na imbestigasyon. Inamin naman ni Sato na bumisita sya anya sa kapit bahay na babae ngunit itinanggi na siya ay isang stalker.

Si Sato ay nahalal bilang opisyal ng lungsod para sa Chuo Ward ng Niigata nang tatlong beses. Siya ay kasalukuyang nagsisilbi bilang Deputy Secretary-General para sa Niigata Branch ng Liberal Democratic Party

Follow me!