今週の動画

PILIPINA ARESTADO SA PAGTAPON NG BANGKAY NG SANGGOL SA INIDORO

Inaresto ng pulisya sa Utsunomiya, Tochigi Prefecture, ang isang 31-anyos na babae dahil sa pag-abandona ng bangkay matapos niyang ilagay ang katawan ng kanyang bagong silang na sanggol na lalaki sa banyo sa kanyang apartment.
 
Ayon sa pulisya, sinabi ng suspek na Pilipina na ipinanganak niya ang sanggol sa banyo sa pagitan ng 10:30 p.m. at 11 p.m. noong Huwebes at pagkatapos ay ifinlash nya ito sa banyo, iniulat ng Kyodo News.
 
Noong Biyernes, napansin ng isang kamag-anak na nakatira sa babae na hindi nag-flush nang maayos ang palikuran at tumawag sa opisina ng maintenance ng gusali. Natagpuan ng isang repair man ang mga labi ng sanggol na nakaharang sa palikuran.

Follow me!