今週の動画

DALAWANG LALAKI ARESTADO DAHIL SA PAGNANAKAW

Dalawang lalaki na kinilalang sina Tomoaki Nomura, 28, at Yuki Takeuchi, 24 ang inaresto ng mga pulis sa Soka, Saitama Prefecture dahil sa panloloob, pambubugbog at pagnanakaw.
Sa ulat ng Japan Today, lumabas sa imbestigasyon ng mga pulis na natutulog ang 65-taong-gulang na biktima ng bigla siyang gisingin ng dalawang lalaki at pinagbububugbog noong Setyembre 1, 2021. Tinangay ng dalawang suspek ang 10 gamit sa bahay, kabilang na ang isang relo, na nagkakahalaga lahat ng 146,500 yen.
Nagtamo ang biktima ng mga sugat sa katawan at naratay sa ospital sa loob ng dalawang buwan. Nahanap at nahuli ang mga suspek pagkaraan ng ilang buwan matapos na makuhanan ng security camera footage ang dalawa sa bahay ng biktima.

Follow me!