今週の動画

LALAKI NAGPASAGASA SA TREN SA KOBE, APAT NA KATAO SUGATAN

Patay ang isang lalaki matapos na tumalon at magpasagasa sa paparating na tren sa Nada Station ng JR Tokaido Line sa Nada Ward ng Kobe. 

Apat na pasahero na naghihintay na makasakay ng tren ang sugatan matapos na tumama ang katawan ng lalaki sa kanila. Wala namang sugatan sa 750 pasahero na sakay ng tren.

Agad na huminto ang tren ng mangyari ang insidente at pinababa ang mga pasahero na naglakad sa gilid ng riles. Galing ang tren sa Kusatsu Station sa Shiga Prefecture at patungo sana sa Himeji Station ng Hyogo Prefecture.

Pansamantalang nasuspinde ang biyahe sa Tokaido Line sa pagitan ng Ashiya at Nishi-Akashi dahil sa insidente.

Follow me!