今週の動画

BABAE ARESTADO MATAPOS SAKSAKIN ANG ISANG BATA SA MALL

Inaresto ng Fukuoka Police ang babae na kinilalang si Megumi Urata, 32 at walang trabaho, matapos nitong pagtangkaang patayin ang isang bata, na nasa edad 13, sa Yumetown Hakata commercial facility. 

Ayon sa ulat ng Kyodo News, sinabi ng mga pulis na sinaksak ni Urata ang bata sa batok habang naglalakad sa mall kasama ang kanyang pamilya. Bigla umanong inatake ni Urata ang bata ngunit agad siyang napigilan ng tatay ng biktima pagkaraan ng pag-atake. 

Agad na dinala ang biktima sa ospital at nasa ligtas ito na kundisyon.

Follow me!