今週の動画

14 NA KATAO SA YAMAGUCHI SUGATAN SA PAG-ATAKE NG UNGGOY

Pinaghahanap ng mga pulis sa Yamaguchi ang isang unggoy na naglalaboy sa Ogorishinmachi district. Tinatayang nasa 14 katao na ang nasugatan nito sa loob ng 10 araw simula Hulyo 8.
Sa ulat ng The Mainichi, may isang insidente kung saan pumasok ang unggoy sa isang apartment noong Hulyo 17 at kinalmot ang isang apat na taong-gulang na bata habang inatake pa nito ang lima pang katao malapit sa apartment.
Dagdag pa ng mga pulis, pinapaigting na nila ang ang paghahanap sa unggoy upang hindi na madagdagan pa ang nakakalmot o nakakagat nito sa lugar.

Follow me!