今週の動画

12M NA HALAGA NG 20 DIAMANTE NINAKAW NG DATING EMPLEYADO NG YAMATO TRANSPORT

Arestado ng Osaka Prefectural Police ang dating empleyado ng Yamato Transport Co. na kinilalang si Joji Yakata, 47, matapos na magnakaw umano ng 20 diamante mula sa isang package noong Hulyo nang nakaraang taon.
Sa ulat ng Kyodo News, ninakaw ng suspek ang 20 diamante habang siya ay nagtatrabaho bilang group leader sa Osaka main branch office ng Yamato Transport. Galing ang mga diamante mula sa isang kumpanya ng alahas sa Tokyo at ipapadala sana ang mga ito sa isa pang kumpanya sa Osaka.
Nagkakahalaga ng 12,520,000 yen ang mga ninakaw na diamante ni Yakata at na-recover na ng mga pulis ang ilan sa mga ito. Kilala ang Yamato Transport bilang isa sa mga pangunahing kumpanya sa Japan na nagde-deliver ng mga package.

Follow me!