今週の動画

SHOTGUN MURDER THREATS ONLINE IKINAARESTO NG ISANG LALAKI SA NAGOYA

Arestado ng mga pulis sa Nagoya ang isang lalaki na kinilalang si Sho Watanabe, 34 at walang trabaho, matapos na magbanta ito na papatay siya gamit ang shotgun na kanyang ipinost sa isang video-sharing website na konektado sa isang paaralan.
Ayon sa ulat ng Kyodo News, bukod sa banta ng pagpatay sa naturang paaralan ay nagkomento rin ang suspek tungkol sa pagpatay kay dating Prime Minister Shinzo Abe sa website bandang alas-4:30 ng hapon noong Hulyo 10.
Agad na tumawag ang isang staff ng paaralan sa mga pulis matapos na makita ang komento ng pagbabanta ni Watanabe. Ito umano ang ikatlong beses na may lumabas na pagbabanta sa comment section ng website simula noong nakaraang buwan.

Follow me!