今週の動画

LALAKI SUMUKO SA MGA PULIS MATAPOS PATAYIN ANG ISANG BABAE

Pumunta sa koban sa Ikebukuro at sumuko sa mga pulis ang isang lalaki na kinilalang si Yuta Miyagi, 37 at nakatira sa Saitama, matapos umamin na sinakal at pinatay niya ang isang babae sa hotel na malapit sa JR Ikebukuro Station.
Ayon sa ulat ng Kyodo News, pumunta ang mga pulis sa sinasabing kwarto ng babae sa hotel at natagpuan nilang nakahiga sa bathtub ang biktima na kinilala na si Fuka Yamaguchi, 18-taong-gulangat nakatira sa Shinjuku. Idineklarang patay ng mga pulis si Yamaguchi sa pinangyarihan ng insidente.
Sa salaysay ni Miyagi, nakilala umano niya ang biktima sa isang café halos isang taon na ang nakakalipas at nagkita na sila ng tatlong beses. Nagalit umano siya sa biktima matapos niyang makita sa smartphone nito na nakikipagkita rin siya sa iba pang mga lalaki.

Follow me!