今週の動画

DALAWANG HIGHSCHOOL STUDENTS SINAKSAK SA LIKOD

Dalawang estudyanteng babae mula sa junior high school ang sinaksak sa likod ng isang lalaking suspek habang naglalakad ang mga biktima sa Taihaku Ward sa Sendai papunta sa kanilang paaralan.
Sa ulat ng Mainichi Japan, arestado ang suspek na kinilalang si Hiroyuki Owari, 43, na agad na umamin sa krimen na ginawa.
Ayon sa Miyagi Prefectural Police’s Sendai Minami Police Station, agad silang rumesponde matapos na makatanggap ng emergency call bandang alas-otso ng umaga nitong Hulyo 7. Sugatan ang dalawang bata at kasalukuyang nagpapagaling.

Follow me!