今週の動画

PANG-IINSULTO ONLINE IPAPATAW SA MAHUHULING NANG-IINSULTO ONLINE

Kulong ng hanggang isang taon at mas malaking multa ang maaaring ipataw ng Japan sa mga mahuhuling nang-iinsulto online. Ito ang naging hakbang ng gobyerno upang masugpo ang lumalalang cyberbullying sa bansa.
Sa ilalaim ng revised Penal Code, itinaas ang multa sa 300,000 yen na dating nasa 10,000 yen. Ang dating ipinapataw na 30 araw na pagkakakulong ay maaaring umabot ng isa hanggang tatlong taon.
Ang pagpapaigting ng batas na ito ay sanhi na rin ng nangyari sa 22-taong-gulang na si Hana Kimura, na sinasabing nagpatiwakal noong Mayo 2020 matapos makatanggap ng mga pang-iinsulto sa social media. Nakilala si bilang wrestler at kasama rin siya sa palabas sa Netflix na “Terrace House.”

Follow me!