今週の動画

INA NA PINATAY ANG KANYANG TATLONG ANAK PORMAL NANG SINAMPAHAN NG KASO

Pormal nang kinasuhan ang isang babae, 27, sa pagpatay sa kanyang tatlong anak na nasa edad lima, tatlo, at siyam na buwang gulang nitong Pebrero.

Ayon sa ulat ng Kyodo News, kinilala ang babae na si Himeka Toya na sumailalim sa psychiatric tests, na tumagal nang tatlong buwan, at lumabas sa resulta na responsable ito sa krimen.

Inaresto si Toya ng mga pulis sa Nagoya noong Pebrero 11 matapos matagpuan ng kanyang asawa ang mga labi ng kanyang tatlong anak sa kanilang bahay. Sinasabing sinakal ng suspek ang tatlo niyang anak gamit ang cord ng electric appliance.

Sinubukan din ni Toya na patayin ang sarili sa pamamagitan ng paglalaslas at pagsaksak sa sarili sa lerg ngunit nakaligtas ito.

Follow me!