今週の動画

LALAKI ARESTADO SA PAGBASAG NG SALAMIN SA TREN

Inaresto ng mga pulis ang isang lalaki, na nasa edad 50s, dahil sa pagbasag sa salamin ng pintuan ng tren sa Tokyu Den-en-toshi line. 

Sa ulat ng Kyodo, sinabi ng mga pulis at mga pasaherong nakasaksi sa insidente na nakipagtalo ang suspek sa isa pang lalaking pasahero bandang 3:20 ng hapon nitong Hulyo 4 habang lulan ng tren na binabagtas ang istasyon ng Sangenjaya at Ikejiri-Ohashi. 

Ayon sa Tokyu Corp, ang operator ng tren, nabasag ang salamin sa pintuan ng tren na nagkokonekta sa ikaanim at ikapitong bagon kaya napilitang pindutin ng isang pasahero ang emergency button.

Wala namang naiulat na sugatan sa insidente. Inaresto ng mga pulis ang suspek nang tumigil sa  Ikejiri-Ohashi Station ang tren.

Follow me!