今週の動画

LALAKING PINAGHIHINALAANG MIYEMBRO NG YAKUZA NILASLASAN SA BINTI

 

Isang lalaki, na nasa 40s at hindi pinangalanan ng mga pulis, ang nilaslasan ng kutsilyo sa kaliwang bahagi ng kanyang binti nitong Hulyo 2 malapit sa Shinozaki Station ng Toei Shinjuku subway line.

 Ayon sa ulat ng Mainichi, isang residente ng Edogawa Ward ang nag-report na mayroong dalawang lalaki na nag-aaway bandang alas 9:20 ng gabi sa kalsada. Agad na rumesponde ang mga awtoridad kung saan natagpuan nila ang lalaki na duguan sa binti.

Lumabas sa imbestigasyon ng Metropolitan Police Department na maaaring bahagi ang insidente sa away ng magkaribal na sindikato na Yamaguchi-gumi at Kobe Yamaguchi-gumi. Sa kasalukuyan ay pinapaigting na ang seguridad sa lugar.

Follow me!