今週の動画

BABAE ARESTADO SA PAG-ABANDONA NG PATAY NA SANGGOL

Arestado ng mga pulis ang isang babae na suspek sa pag-abandona sa labi ng isang sanggol sa Hadano, Kanagawa Prefecture noong Mayo.
Ayon sa ulat ng Kyodo News, hindi pinangalanan ng mga pulis ang suspek dahil menor de edad ito ngunit umamin kaagad ito sa alegasyon laban sa kanya. Natagpuan ng may-ari ng isang lupain ang mga labi ng sanggol sa isang plastic bag na inilibing sa kanyang bakuran bandang 11:50 ng umaga nitong Hunyo 30.
Hindi na matukoy ng mga pulis ang kasarian ng sanggol dahil sa pagka-agnas nito. Isasailalim sa autopsiya ang labi ng sanggol upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay.

 

Comment
Share

Follow me!