今週の動画

DALAWANG PINOY HULI SA PAGNANAKAW

Dalawang Pilipino, isang lalake at isang babae nasa edad 25 at 27, ang hinuli ng mga awtoridad sa Nakatsugawa City, Gifu dahil sa pagnanakaw sa isang lokal na supermarket kamakailan.

Pitong items umano ang ipinuslit ng dalawang suspek na nagkakahalaga ng 12,217 yen. Tumawag ang isang staff ng supermarket sa mga pulis na agad rumesponde at nahuli ang dalawa sa parking area at inimbestigahan.

Follow me!