今週の動画

FILIPINO TRAINEE SUSPEK SA KASO NG PAGPATAY SA CHIBA

Suspek sa kaso ng pagpatay sa dalawang lalaking Cambodian ang isang Filipino technical trainee sa Tomisato City, Chiba Prefecture kamakailan.

Kinilala ang Pinoy na si Roel Boulan na inaresto ng mga pulis matapos na matagpuang sugatan malapit sa pinangyarihan ng krimen ng mga panahong iyon.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga pulis ang krimen matapos sabihin ni Boulan na sinaksak siya ng kutsilyo ng dalawa. Magkakasama sa isang apartment sina Boulan at dalawang Cambodians na parehong nasa technical training program.

 

 

Follow me!