今週の動画

VIETNAMESE TRAINEE SA JAPAN ARESTADO SA KURASHIKI

Isang 29-taong-gulang na lalaking Vietnamese technical trainee ang inaresto ng mga pulis sa Kurashiki City matapos pagtangkaang patayin ang kasamahan nito sa trabaho na isang Vietnamese rin kamakailan.

Kinilala ang suspek na si Nguyen Batan, na umaming sinaksak ang biktima sa likod gamit ang isang kutsilyo ngunit itinanggi nitong hindi niya planong patayin ang kasamahan.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang pinag-ugatan ng away ng dalawa.

Follow me!