今週の動画

ISANG BABAE ANG NAMATAY MATAPOS SUMABIT SA ESCALATOR

Umaga ng June 12, isang matandang babae ang naipit sa pagitan ng escalator at sahig sa isang supermarket sa Nishitokyo City, Tokyo, at nasa kritikal na kondisyon at walang malay.

Bandang 10:30 a.m., isang ulat ang natanggap mula sa OK Higashifushimi store sa Higashifushimi, Nishitokyo City, na ang leeg ng isang tao ay naipit sa escalator ayon sa Metropolitan Police Department.

Ang babae ay pinaniniwalaang nahulog at dinala sa ospital sa kritikal na kondisyon at subalit binawian din ng buhay. Hindi pa alam ang sanhi ng kanyang pagkakahulog.

Follow me!