今週の動画

PEACH AIRLINE MAGDADAGDAG NG FLIGHTS NGAYONG SUMMER

Ang Peach Aviation Airlines ay magdadagdag ng isang round trip flight bawat araw sa pagitan ng Amami, Kagoshima Prefecture at Narita, at sa pagitan ng Amami at Kansai, mula Hulyo 1 hanggang Oktubre 26.

Ayon sa Yahoo Japan, sinabi ng kumpanya na ito ay bilang tugon sa panahon ng tag-init kung saan mas mataas ang pangangailangan sa paglalakbay.

Ang one-way na pamasahe ay 6,890 yen para sa Amami-Narita at 4,990 yen para sa Amami-Kansai.

Follow me!