JAPAN METEOROLIGAL AGENCY NANAWAGAN NA MAGING ALERTO SA LINDOL NA MAY INTENSITY 5 PATAAS SA MGA SUSUNONG PANG LINGGO

Dahil sa lindol na naitala ng seismic intensity na 5+ sa Ishikawa Prefecture, ang Japan Meteorological Agency (JMA) ay nagsagawa ng press conference noong umaga ng ika-3 na nanawagan na maging alerto sa mga pagyanig na may intensity na 5 pataas, sa mga susunod na linggo.
Ayon Yahoo Japan, naganap ang lindol sa humigit-kumulang 6:31 AM kung saan ang epicenter nito sa rehiyon ng Noto ng Ishikawa Prefecture. Ang Wajima City at Suzu City sa Ishikawa Prefecture ay nakaranas ng maximum na seismic intensity na 5+. Tinatayang 5.9 ang magnitude ng lindol, na may lalim na 10 km ang sentro ng lindol. Noong 8:10 AM, kabuuang walong lindol na may seismic intensity na 1 o mas mataas ang naobserbahan.
Binigyang-diin ng JMA na ang lindol na ito ay bahagi ng isang serye ng mga aktibidad ng seismic kasunod ng lindol sa Noto Peninsula noong Enero ngayong taon at pinayuhan ang pagbabantay para sa mga potensyal na pagyanig ng may katulad na intensity sa susunod na linggo.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/08/15Lalaking inatake ng oso sa Mt.Rausu sa Hokkaido, nawawala
News(Tagalog)2025/08/12Ang McDonald’s ay magpapataw ng mga paghihigpit sa pagbebenta ng Pokémon Happy Meal kasunod ng muling pagbebenta at kalituhan, kabilang ang pagkansela ng mga opisyal na membership sa app
News(Tagalog)2025/08/08Ang mga dayuhang naninirahan sa Japan ay may Rekord na 3.68 Milyong Tao;Pagtaas na Nakita sa mga Regional areas Pati na rin sa Mga Pangunahing Lungsod
News(Tagalog)2025/08/05Sumiklab ang apoy sa fireworks barge sa Yokohama festival malapit sa Tokyo

