今週の動画

JR EAST MAGBUBUKAS NG INTERNET BANK AT MAGBIBIGAY NG 40% OFF NA DISCOUNT SA PAMASAHE AT GREEN CAR ACCESS

Ilulunsad ng JR East ang internet bank nito na “JRE BANK” sa Mayo 9, 2024. Makakatanggap ng hanggang sa 5 complimentary discount ticket na magbibigay sa iyo ng 40% na discount sa one-way tiket at libreng access sa mga green  cars sa mga lokal na tren.

Ayon sa Jcast News, upang matanggap ang mga benepisyo ng “JRE BANK” , kailangan magbukas ng account o i-link ang account sa website na “JRE POINT”. Bilang karagdagan sa nabanggit, makakatanggap ka ng 2000 point discount coupon kung gagamitin mo ang serbisyong “どこかにビューーン” na magdadala sa iyo sa alinman sa 4 na istasyon na inirerekomenda ng JR East sa Shinkansen.

Ang “JRE BANK” ay nabuo sa pamamagitan ng collaboration sa Rakuten Bank .

Follow me!