IKINARI STEAK, BAHAGYANG MAG-TATAAS NG PRESYO AT SOURCE NG IBANG KARNE AY PAPALITAN
Inihayag ng Pepper Food Service ang mga planong baguhin ang Ikinari steak menu epektibo sa Abril 3. Kasama sa mga pagbabago ang mga pagsasaayos ng presyo, paghinto ng mga opsyon sa cut-to-order, pagsasaayos ng iba’t ibang seasoning sa table-top, at ang pagpili at pinagmulan ng produkto.
Ayon sa ulat ng Yahoo Japan, ang pinagmulan ng ribeye steak ay lilipat mula sa US patungo sa Australia, habang ang sirloin steak ay aalisin. Ang mga pagsasaayos na ito ay bilang tugon sa tumataas na gastos ng mga raw materials, paggawa, at enerhiya. Ang Wild Steak 150g ay magsisimula sa presyo na 1,390 yen tax included sa mga lokasyon sa tabing daan at storefront, mula sa dating 1,240 yen.
Samantala, sa mga restaurant at food court outlet, ang 130g variant ay mapepresyohan sa bagong rate na 1,190 yen tax included, kumpara sa dating 1,240 yen para sa 150g na bahagi.
この記事を書いた人

最新の投稿
blog2025/07/14What is inverted fuji or sakasa fuji?
News(Tagalog)2025/07/14Kumikilos ang Bagyong No. 5 sa hilagang silangan ng Kanto sa ika-14 ng Lunes. Ang Kanto at Tohoku ay nakaalerto para sa malakas na ulan, malakas na hangin, at mataas na alon.
News(Tagalog)2025/07/11Mahigit sa 800 na pinaghihinalaang nandaraya sa TOEIC English exam sa Japan
News(Tagalog)2025/06/26Binuksan ng Lawson ang next generation convenience store na pinapagana ng AI sa Tokyo