今週の動画

ELECTRONIC TICKET PARA SA KUMAMOTO AIRPORT LIMOUSINE BUS, JAL AT KYUSANKO BUS SISIMULAN SA IKA-28

Ang Japan Airlines (JAL) at Kyushu Sanko Bus sa Kumamoto City ay maglulunsad ng digital ticketing para sa serbisyong “Airport Limousine Bus” na nagkokonekta sa Kumamoto Airport at sa lungsod.

Ayon sa Kumamoto Nichinichi Shinbun, ang serbisyo ay magsisimula sa ika-28 at sasaklaw sa mga lugar kabilang ang Kumamoto Airport, Torimachisuji, Sakuramachi Bus Terminal, at JR Kumamoto Station. Ang pamasahe para sa adult ay nakatakda sa 1,000 yen, ang mga bata naman ay 500 yen.

Ang payment ay maaari lamang gawin sa pamamagitan ng credit card. Upang magamit ang serbisyo, mag-book lamang sa website ng JALMaaS at ipakita ang screen ng tiket sa iyong smartphone sa driver pagdating.

 

Follow me!