今週の動画

LALAKI NAMATAY MATAPOS SUMABIT ANG DAMIT SA ESCALATOR SA JR MITO STATION

Pumanaw ang isang 72-anyos na lalaki matapos sumabit ang kanyang damit sa escalator sa JR Mito Station sa Ibaraki Prefecture.

Ayon sa Yahoo Japan, nadiskubre si Mamoru Suzuki, 72 anyos na isang office worker, bandang alas-9 ng gabi na nakahiga sa pataas na escalator na gusot ang damit.

Dinala sa ospital si Suzuki ngunit kalaunan ay idineklara itong patay. Sinisiyasat ng mga awtoridad ang eksaktong mga pangyayari sa paligid ng insidente.

Follow me!