今週の動画

AWA ODORI CELEBRATION MAS PAPALAKIHIN NGAYONG TAON

Noong ika-25, nagpasya ang executive committee para sa Awa Odori, isang summer tradition sa Tokushima City, na palawakin ang laki ng event ngayong Agosto kumpara sa nakaraang taon.

Ayon sa Kyodo News, bilang karagdagan, magkakaroon ng isa pang paid na outdoor performance hall, ang panloob na pagtatanghal na ginaganap bilang “eve festival” ay papalitan ng pangalan at isasama sa pangunahing kaganapan, at ang selebrasyon ay  dadagdagan pa ng isang araw. Magiging  limang araw na ito mula Agosto 11 hanggang 15.

Ang bilang ng mga bayad na performance hall ay magiging tatlo ngayong taon samantalang “Premium Box Seats”, na nagkakahalaga ng 200,000 yen bawat tao at lumabag sa Building Standards Act noong ito ay sinimulan ay tatanggalin na ngayon.

Follow me!