今週の動画

SAKURA WALKING EVENT GAGANAPIN SA HAKATA SA MARCH 31

Ang “Sakura walk from the Bayside” ay gaganapin sa Hakata, Fukuoka. Lilibot ang tour sa Kushida Shrine, Sumiyoshi Shrine, Hakata Sennenmon Gate, Tochoji Temple, atbp., bago magtungo sa Bayside Place Hakata.

Ayon sa Hakata Keizai Shimbun, ang model course ay humigit-kumulang 8km ang haba, at short model course na 3km at 5km ay available din.

Ang oras ng reception ay magsisimula ng 9:00. Ang walking course ay libre sa lahat. Ang kapasidad ay 1000 katao lamang. Ang mga aplikasyon para sa pagsali ay sa pamamagitan ng website at LINE. Ang deadline ay sa ika-24 ng buwang ito.

Follow me!