今週の動画

NARA – SHIN-OSAKA COMMUTER EXPRESS “RAKU RAKU YAMATO” MAGBUBUKAS NA

Simula ika-18 ng Marso, ipakikilala ng JR West Japan sa Kita Ward, Osaka City ang bagong commuter express train na tinatawag na “Raku Raku Yamato” na nag-uugnay sa Nara Station at Shin-Osaka Station.

Ayon sa Yahoo Japan, ang tren ay isang three-car 287-series train na may reserved seats na isang bagong commuter express train sa rehiyon ng Nara.

Ang commuter express na “Raku Raku Yamato” ay nagkokonekta sa siyam na istasyon mula sa Nara Station hanggang sa Shin-Osaka Station sa pamamagitan ng Tennoji Station sa Osaka. Ito ay tatakbo ng isang round trip bawat araw.

Follow me!