BILANG SUPORTA SA NAPINSALA NG LINDOL, JR WEST IBABABA ANG PRESYO NG HOKURIKU ODEKAKE TABIWA PASS
Noong ika-14, inihayag ng JR West ang mga hakbang para sa Hokuriku bilang suporta sa mga apektado ng Noto Peninsula Earthquake noong Enero. Susubukan i-promote ang pagbisita sa rehiyon sa pamamagitan ng pagbaba sa presyo ng Hokuriku Odekake Tabiwa Pass at pag-aalis ng limitasyon sa travel date.
Ang “Hokuriku Odekake Tabiwa Pass” ay karaniwang nagkakahalaga ng 2,450 yen (isang araw), ngunit sa limitadong panahon ang presyong ito ay magiging 980 yen (parehong presyo para sa mga bata). Ang “3 days advance purchase” ay tatanggalin at gagawing “one day advance” na lamang. Higit pa rito, ang kasalukuyang setting ay limitado sa Sabado, Linggo, at holiday ngunit ang limitasyon sa araw ng paglalakbay ay aalisin na rin.
◊Sales period
February 14, 2024 to March 14, 2024
◊Usage period
February 16, 2024 to March 15, 2024
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/08/15Lalaking inatake ng oso sa Mt.Rausu sa Hokkaido, nawawala
News(Tagalog)2025/08/12Ang McDonald’s ay magpapataw ng mga paghihigpit sa pagbebenta ng Pokémon Happy Meal kasunod ng muling pagbebenta at kalituhan, kabilang ang pagkansela ng mga opisyal na membership sa app
News(Tagalog)2025/08/08Ang mga dayuhang naninirahan sa Japan ay may Rekord na 3.68 Milyong Tao;Pagtaas na Nakita sa mga Regional areas Pati na rin sa Mga Pangunahing Lungsod
News(Tagalog)2025/08/05Sumiklab ang apoy sa fireworks barge sa Yokohama festival malapit sa Tokyo