今週の動画

TOKYO PLANONG MAGTAYO NG UNDERGROUND MISSILE SHELTER

Ang Tokyo Metropolitan Government ay nagpaplano na magtayo ng isang underground missile shelter sa ilalim ng Azabu-Juban subway station sa Minato Ward, Tokyo dahil na rin sa geopolitical tensions at mga alalahanin sa pambansang seguridad.

Mula sa ulat ng Japan Times, binigyang-diin ni Tokyo Gobernador Yuriko Koike ang pangangailangan para sa paghahanda sa gitna ng alalahanin sa seguridad. Ang istasyon ng Azabu-Juban, linya ng Toei Oedo at Namboku, ay  matatagpuan malapit sa mga foreign embassies at mga gusali ng opisina sa mga distrito ng Roppongi at Hiroo.

Ang shelter ay itatatag sa pamamagitan ng pag-convert ng isang emergency supplies warehouse sa loob ng istasyon. Ang inisyatiba na ito ay umaayon sa Civil Protection Law, na nangangailangan ng mga prefecture na magtalaga ng mga pansamantalang emergency evacuation spot, tulad ng mga underground train station na may kakayahang tumanggap ng buong populasyon na may sapat na espasyo.

Follow me!