今週の動画

SHIBUYA DISTRICT NAG-ANUNSYO NG PAGKANSELA NG NEW YEAR COUNTDOWN

Para sa nalalapit na Bisperas ng Bagong Taon, nagpatupad ang district ng Shibuya ng pagbabawal sa pampublikong pag-inom ng alak sa paligid ng Shibuya Station simula 6 p.m. hanggang 5 a.m. sa Araw ng Bagong Taon. Tataas ang presensya ng mga pulis at hinihiling ng ward sa mga business establishments na iwasan magbenta ng alak sa panahong ito.

Mula sa ulat ng Japan Today, ang desisyong ito ay  ginawa base sa mga nakaraang insidente. Ang Shibuya, na kilala sa masiglang Halloween street party nito, ay nahaharap sa mga hamon ng dumaraming bisita at mga isyu sa safety na nag-udyok ng pagbabago sa nakagawiang selebrasyon para sa Bisperas ng Bagong Taon.

Ang iconic na Shibuya Scramble ay hindi magkakaroon ng countdown event at ang mga billboard ads ay papatayin mula 11 p.m.

Follow me!