今週の動画

NISEKO HOKKAIDO, NAPABILANG SA THE WORLD’S TOP 10 TRAVEL DESTINATIONS TO WATCH SA 2024

Inanunsyo ng American Express Travel ang “2024 Trending Destinations'” ang listahan ng 10 destinasyon na dapat bisitahin sa 2024, na napili batay sa mga travel reservation ng card member at expertise ng 7,000 travel consultant.

Sa isang ulat na inilabas para sa “Travel Trends in 2023” , humigit-kumulang 90% ng mga respondent ang sumagot na gusto nilang bumisita ng mga lugar na hindi pa nila napuntahan dati at sumunod ang gustong makaranas ng lokal na kultura.

Ayon sa report ng Yamatodokoro, binigyaang diin ng mga Millenial at Gen Z ang makaranas ng bagong adventure at makapunta sa mga less unknown na destination na malayo sa karaniwang pinupuntahan ng mga byahero. Isa sa mga lugar na ito ang Niseko ng Japan dahil sa winter activities.

Ang napiling top 10 na lugar para sa taong 2024 ay:
・Niseko (Japan)
・Zermatt (Switzerland)
・Porto Cervo (Italy)
・Adelaide Hills (Australia) ・
・Udaipur (India)
・Santa Fe (USA)
・San Miguel de Allende (Mexico)
・St. Christopher・Nevis
・Seychelles

 

Follow me!