JAPAN PASSPORT, BUMABA ANG RANKING SA LISTAHAN NG WORLD’S MOST POWERFUL PASSPORT
Bumagsak sa pangatlong pwesto ang Japan makalipas ang limang taon sa unang pwesto sa ranking ng passport power na inilabas ng Henley & Partners Holdings Ltd. kamakailan.
Ito ay base sa bilang ng lugar na pwedeng mapuntahan ng mga Japanese passport holders na hindi kailangan ng visa na nasa 189 na bansa.
Nanguna sa unang pwesto ang Singapore na maaaring bumisita sa 192 na bansa na hindi kailangan ng visa. Sinundan ito ng Germany, Italy at Spain na may visa-free access sa 190 na bansa, habang kasama naman ng Japan sa ikatlong pwesto ang Austria, Finland, France, Luxembourg, Sweden at South Korea.
Nasa 74 na pwesto naman ang Pilipinas na may visa-free access sa 66 na bansa.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/08/15Lalaking inatake ng oso sa Mt.Rausu sa Hokkaido, nawawala
News(Tagalog)2025/08/12Ang McDonald’s ay magpapataw ng mga paghihigpit sa pagbebenta ng Pokémon Happy Meal kasunod ng muling pagbebenta at kalituhan, kabilang ang pagkansela ng mga opisyal na membership sa app
News(Tagalog)2025/08/08Ang mga dayuhang naninirahan sa Japan ay may Rekord na 3.68 Milyong Tao;Pagtaas na Nakita sa mga Regional areas Pati na rin sa Mga Pangunahing Lungsod
News(Tagalog)2025/08/05Sumiklab ang apoy sa fireworks barge sa Yokohama festival malapit sa Tokyo