今週の動画

JAPAN POST, YAMATO MAGSASANIB-PWERSA SA PAGHAHATID NG MGA PACKAGES

Upang masolusyunan ang problema sa kukalangan ng mga manggagawa sa logistics field ay magtutulungan ang Japan Post at Yamato sa pagde-deliver ng mga maliliit na packages at mga sulat sa bansa.

Saad sa ulat ng The Yomiuri Shimbun, isasama ang mga sulat at maliliit na packages na pinapangasiwaan ng Yamato sa serbisyo ng Japan Post na siya naman mamamahala sa deliveries ng mga ito.

Layon din ng pagsasamang ito na mapabuti ang kahusayan ng sistema ng paghahatid ng mga packages sa Japan.

Follow me!