今週の動画

MERCARI, RAKUTEN, YAHOO JAPAN PATOK SA MGA DAYUHANG MAMIMILI

Mabenta sa mga dayuhang mamimili sa Amerika, China at iba pang bansa ang mga secondhand na laruan at gamit tulad ng mga action figures at trading cards na binebenta sa Mercari, Rakuten at Yahoo Japan.

Ayon sa ulat ng Kyodo News, isa ito sa mga resulta ng mababang yen na nagpapalakas ng kapangyarihang bumili ng mga mamimili na nasa ibang bansa.

Ayon sa Mercari, mabenta sa kanila ang mga Hello Kitty, Neon Genesis Evangelion at Pokemon characters pati na rin mga goods na hangon sa mga babaeng idol groups.

Dagdag pa nila, mataas din ang demand para sa mga luxury brands at items tulad ng mga Chanel bags at Seiko watches.

Follow me!