今週の動画

PINOY FOOD WITH A TWIST, MATITIKMAN SA HARD ROCK CAFE, TONY ROMA’S SA ROPPONGI

Limang paboritong pagkaing Pilipino ang binigyan ng sariling interpretasyon ng American restaurants na Hard Rock Cafe at Tony Roma’s sa Roppongi, Tokyo.

Sa pakikipagtulungan ng Department of Tourism Tokyo Office sa dalawang restaurants ay muling inilunsad ang “Meet Philippines” campaign bilang paggunita sa ika-125th anibersaryo ng proklamasyon ng kalayaan ng Pilipinas sa Hunyo 12.

Tampok sa kampanya ang Rib Adobo, Inasal Chicken, Inasal Combo (a combination of chicken and baby back ribs), Virgin Mango Piña Colada, at Halo-Halo na makakain sa dalawang restaurants hanggang Hunyo 30.

Follow me!