今週の動画

MAYON VOLCANO ITINAAS SA ALERT LEVEL 2

Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Lunes ang alert level ng Mayon Volcano mula Level 1 sa Level 2 (increased unrest) dahil sa tumaas na bilang ng rockfall.

Simula noong ika-4 ng Hunyo, nagsimula ang pagtaas ng bilang ng rockfall na naggagaling sa bulkang Mayon. Mula sa normal na 5 beses isang araw, umakyat ito sa 49 beses. Ang sulfur dioxide emission naman nito ay tumaas din, umabot na ito sa 576 tonnes nitong Abril.

Pinapakiusapan ang lahat ng nakatira malapit sa bulkang Mayon na maging handa at lumayo sa danger zone dahil inaasahang magpapatuloy pa ang rockfall at posibilidad ng landslide.

 

Follow me!