今週の動画

FORMER DIET MEMBER ARRESTED IN AIRPORT

Si Yoshikazu Higashitani o kilala sa common name na Gassyy ay inaresto sa Narita airport matapos itong dumating sa Japan mula sa bansang Dubai.

Si Gassyy ay dating miyembro ng Diet sa Japan subalit kahit siya ay naging miyembro ng House of Counselors, siya ay nanatili sa Dubai ng walang sapat na dahilan kung kaya’t siya ay nasibak din sa pwesto.

Si Gassyy ay isa ding sikat na Youtuber. Nakilala ang kaniyang youtube videos dahil sa kanyang mga paninirang puri at mga akusasyon sa mga kilalang celebrities. Dahil dito siya ay inisyuhan ng warrant of arrest ng Metropolitan Police Department na siya ring naging dahilan kung bakit siya ay naaresto sa Narita airport.

Follow me!