今週の動画

BAGONG TRAIN LINE MULA TOKYO STATION PATUNGONG HANEDA AIRPORT, GINAGAWA NA

Under construction na ang bagong train line na diretsong bibiyahe mula Tokyo Station patungong Haneda Airport simula fiscal 2031.

Nagsagawa ng groundbreaking ceremony ang mga opisyal ng East Japan Railway para sa proyekto na layong tugunan ang patuloy na pagdagsa ng mga dayuhang turista sa bansa, ayon sa ulat ng NHK World-Japan.

Sa kasalukuyan ay kailangang lumipat ng train line ang mga pasaherong manggagaling sa Tokyo Station at tutungo sa Haneda kung saan ang biyahe ay tumatagal ng halos 30 minuto. S

a pamamagitan ng bagong linya, may direct access na sila mula sa istasyon hanggang airport at ang biyahe ay 18 minuto lamang balikan. 
Itatayo sa pagitan ng Haneda Terminal 1 at 2 ang bagong underground station para rito.

Follow me!